LAKBAY SANAYSAY:
ALBAY
Inihanda ni: Michaela Lorenz Amata












        Nakapunta kana sa albay? Kung saan matatagpuan ang isa sa pinakamalaki at magandang hugis sa buong mundo, Ang ipinagmamalaki ng mga albaeños ang bulkang mayon. Tara samahan niyo ako tuklasin ang iba pang kagandahan meron sa albay.

          Una, nating pupuntahan ang malalaking letra ang Mayon Skyline, dito mo makikita ang kabuohan ang mayon volcano na pinalilibutan ng mga ulap at kagubatan at may pinakita rin sila ng history tungkol sa Mayon kung kailan ito una at huling sumabog.
Sunod naman ang huyop-huyopan cave, kung saan makikita ang iba’t ibang rock formation o hugis ng mga bato at paano ito naging isang kweba.

          At ang huli nating pupuntahan ay ang kawa-kawa, ito ay may matirik ang daan, pero “worth it” naman kasi pagnaabot mo na ang tuktok nito dito mo makikita kung gaano kagada pagmasdan ang paglubog ng araw at ang pinaka magandang hugis ng mayon at maaari ka rin ditong mamasyal dahil madaming souvenirs ang maaari mong bilhin.
Ito’y isa lamang sa magagandang pasyalan dito sa albay, hanggang sa susunod paalam.





Patitinan Beach
Inihanda ni: Rose Marie Bombase


          Dito sa ating mundo madaming pwedeng puntahan,paglibangan, at pagtuunan ng pansin. Pero dito sa Patititnan Beach wala ka ng hahanapin pa, matatagpuan ang Patitinan Beach sa Patitinan Sangay Camarines Sur, Maganda at tahimik sa lugar na ito. Wala kang ibang maririnig na malakas na ingay kundi ang malalaki at malalakas na hampas ng alon, may malinis,malinaw,at tamang temperature ang dagat, white sand din ang buhangin sa dalamapasigan. Simple at tahimik ang pamumuhay ng mga taong nakatira malapait sa karagatn na ito. Ang mga tao dito ay maayos na nakikisama sa mga taong pumupunta dito.      Isa sa mga mahahalagang bagay sa buhay ko ang pagpunta naming sa Patitinan. Dahil napakasaya ang araw na ito para sa akin, sa araw din na ito dito ko lang lubos nanaramdaman na lagi dapat tayong magkaroon ng oras para sa ating pamilya. Mahirap lang kai kaya hindi ako kagaya ng ibang kabataan na, lahat na gustuhin nilang bilhin,kainin,at puntahan ay nagagawa nila, Ganun paman wala akong dapat ika inggit sa kanila dahil ang buhay ng pamilya ko, ang makasama sila ng matagal ang kailang ko.
          Sa aming pagpunta sa lugar na ito may dala kaming iba’t-ibang uri ng pagkain. Masaya din kaming naglaro sa dalampasigan, at naligo sa ilalim ng araw. Wala kasing saya ang araw na iyon sa buhay ko.










Mayon Skyline
Inihanda ni: Mary Grace Baduria















          Habang kami ay anasa byahe papuntang albay nakikita naming sa palligid ang mga magagandang tanawin at dahil ditto lahat kami ay namngha sa aming mga nakita, at ng nakapunta na kami sa Tiwi pottery ay nakita naming kung paano gumawa ng isang paso at marami pa kaming nakitang iba at pagkatapos ay tumungo naman kami sa aming susunod na pupuntahan at ito ay sa Mayon Skyline una may pinakita muna samin na video tungkol sa mayon kung paano ito bumubuga at kung bakit ito nangyayari, at pagkatapos naman ay lumabas na kami para pumunta sa cottage at kumain at nakita ulit naming ang ibang mga tanawin at syempre hindi mawawala ang pagkuha ng mga litrato sa bawat aming napupuntahan. At pagkatapos naman ay tumungo naman kami sa mayon skyline kung saan pwede kaming maglaro at kumuha ng litrato at sa mga pangyayaring ito lahat kami ay nag-enjoy sa aming mga pinuntahan at nakita. At pagkatapos ay sumunod naman naming pinuntahan ang Huyop-huyopan cave kung saan makikita naming ang iba’t ibang hugis ng stalac tites. At sa mga nangyayaring ito maraming bagay ang pwede pa nating gawin sa ating buhay para tayo ay mas maging masaya sa lahat ng oras at natutulungan rin tayo nitong makalimutan an gating mga problema kahit na sa kunting oras at panahon lamang at syempre maiisip natin sa sarili natin na pwede tayong maging masaya sa bawat bagay na ating gagawin. At itong ginawa naming paglalakbay ay isa sa mga masasayang araw na aming naranasan.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog