REPLEKTIBONG SANAYSAY
The Gifted
Nag-aral, Nagtyaga,
Magtatapos na.
Inihanda ni:
Shemarie P. Borjal
Ang sarap mabuhay
no? Yung tipong di man perpekto ang pamilyang meron ka, pero andyan sila upang
suportahan ka sa lahat ng bagay. Andyan sila para palakasin ang loob mo sa
tuwing nahihirapan kana. Pamilyang hinding-hindi magsasawang tanggapin ka,
kahit ano pang mali ang nagawa mo. Pamilyang hindi mag sasawang pag-aralin ka,
kahit minsa’y di na nila kinakaya. Pamilyang masasabi mong Di man perpekto,
pero handa kang mahalin, at tanggapin ng buong buo.
Walang perpekto sa
mundo. Walang perpektong tao na iintindi sayo. At tatanggap ng Buo. Ang
pelikulang the Gifted ay pinagbibidahan nina Zoe at Aica, kung saan ay pareho
silang pinanganak na mapalad sa buhay. Si Zoe na handa syang suportahan ng
kaniyang mga magulang sa lahat ng bagay. Katulad na lamang ng mga magulang ko,
may mga bagay na hindi na nila kinakaya pero handa parin silang mag sikap upang
suportahan nila ang ninanais ko. Si Aica
na sobrang talino, hindi man ako katalinohan, masasabi ko namang makakaya ko
basta’t sikap lamang. Si Zoe at Aica na pareho ng matagumpay at pareho na rin
silang magaganda. Ako ito, magtatapos na. Napagtagumpayan ko na rin ang
pangalawang yugto saaking pag-aaral. Hindi man magiging kasing ganda ang buhay
ko, tulad ng buhay nina Zoe at Aica, Gifted naman ako sa pamilyang walang
sawang gabayan ako sa lahat ng bagay.
Sa pelikula maari
mong gawing perpekto ang buhay mo. Ngunit dito sa ating mundo gawin mo na lang
na masaya ang buhay mo kasama ang pamilyang nag mamahal sayo. Hindi kaman
naging mapalad sa buhay mo, magtyaga’t magsikap makakamtan mo ang lahat ng
pinapangarap mo.
ISANDAANG TULA PARA
KAY ISTELA
TULA KO PARA SAYO
Inihanda ni: Jemmahli SJ. Buendia
Isandaang tula para kay Istela ay isang
pelikula na patungkol sa dalawang magkaibigan na nauwi sa pagmamahalan at sa
pamamagitan ng pagtula ay sinasabi nya rito ang gusting sabihin kay Istela na
gusto nya ito. Madlas siyang gumagawa sa tuwing nakikita nya ito, sa tuwing na
aalala nya si Istela at sa tuwing magkasama silang dalawa.
Itong pelikula ay may pagkakahalintulad sa
akin dahil sa paggagawa ng tula sa isang taong importante sa buhay. Ipinapadama
sa pamamagitan ng pagsulat at maging sa tula ay ibinubuhos ang gusting sabihin
at nararamdaman sa isang tao. Mga tula ko ay nakalimbag sa iisang sulatin na
ako lang ang nakakabasa at ang iba nito ay naibigay kuna sa mga kaibigan ko. At
ang pinaka mahaba ay ang pamagat “Tula ko para ki batman”. Ngunit may
pagkakaiba kami dahil sa pamilya ay hindi na sila buo at kami ay masayang
nagsasama-sama at pinagsasaluhan ang maganda at maayos na pagmamahalan. At maging
sa sinapit nilang dalawa ay hindi sila nagkatuloyan dahil sa pagkakahiwalay ng
landas na tinahak nilang dalawa ay magkaiba. Si Istela ay hindi na nakapagtapos
ng pag-aaral at nagasawa ng maaga ngunit yong lalaki ay nagtapos siya ng
pag-aaral at naghanap ng trabaho, na sa ngayon ay hindi ko pa ito nararanasan
sa buhay ko.
Sa buhay natin ang mga nararamdaman ay
may kanya-kanya tayong ipinapahayag tulad na lng sa akin ipinapahayag ko sa
isang pasulat na tula. Marami tayong magagawa kung paano magpapatuloy an gating
buhay na kahit hindi kayo nagkatuloyan ng iyong minamahal bagkus ating
pahalagahan ang mga nasa paligid at an gating sarili.
She’s Dating with a Gangster
Inihanda ni: Rose
Marie Bombase
Ano at hanggang saan mo kayang
isakripisyo ang buhay mo para sa mga taong mahal at malapit sa buhay mo?
Maganda at masarapang mabuhay sa mundo, perokung may taning a nag buhay mo
magagawa mo pa bang mabuhay ng normal at tama? Sa ibamahirap at nakakapanghina
na ang loo bang mabuhay kung ganito ang kanilang kalagayan, pero para sa taong
bida ng kwentong ito, lahat kinakaya at tinitiis kahit gaano kahirap para
sakanya ang labanan ang kanyang sakit dahil gusto niyang mabuhay ng matagal
para sa mga taong mahal niya.
Isa ako sa mga kagaya niya, mahirap at
hindi rin madali sa akin ang mabuhay na may nararamdamang sakit, pero ang mas
mahierap ay ang mabuhay na parang walang nagmamahal sayo. Minsan gusto ko nang
sumuko at mawala na lang sa mundo.
Pagmamahal sa sarili, pamilya,
kaibigan at sa ibang tao ang dahilan kung bakit ipinagpapatuloy ko ang mabuhay.
Minsan man pinanghihinaan ako ng loob, pero alam kong hindi hinahayaan ng Diyos
na mawalan ako ng tiwala sa sarili upang sumuko.
Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili
ko kong makakaya ko kayang lagpasan ang lahat ng to? Laking pasasalamat ko
dahil kailan man hinding-hindi niya ako pinababayaan
Mahusay ang pagkakagawa ng replektibong sanaysay lalo pa't ang pelikulang napanood ay inihahambing sa sariling karanasan .
ReplyDeletethe house of us replektibong sanaysay
ReplyDelete