TALUMPATI
Crush
Talumpati ni: Gng.
Hernando Culas
Limang letra, isang
salita. Limang letrang inakala mong pagtingin mo lang sa kanya ay may lihim na
paagsinta. Isa, dalawa, halika dito at sumama ka.Tatlo, apat, lumapit ka at ng
mahagkan kita. At lima, bakit lumayo at naglaho ka pa aking sinta. Bilangin man
natin ang mga pagkakataon na tayo ay magkasama, bumilang lang ako ng lima at
mawawala na ang iyong pagsinta.
Ang aking pagkagusto
ay parang mga luha ko na hindi ko mapigilan sa tuwing nakikita kita masaya sa
piling ng iba. Hindi ko mapigilan ang masaktan habang pinagmamasdan ko kayong
dalawa na magkahawak ng mga kamay at hindi mapaghiwalay. Naalala ko pa tuloy
noong una ako matuto ng matematika na kung saan ang mga numero ay wala pang kassamang
letra o yung ikaw na wala pang kasamang iba. At nung magbasa ako ng aklat ng
kasaysayan na hinayaan ako na balik balikan ang nakaraan ay nasasaktan ang puso
kong duguan.
Crush na nauwi sa
pagtitinginan at kalaunan ay nagbunga ng pagmamahalan na inakalang walang
katapusan ngunit ngayon ay may hangganan. Masakit mang isipin ay bibitaw na
lamang ako at babangong muli para hindi na muling msaaktan pa ang pusong minsan
nadurog at nasaktan mula sa nakarang pilit akong binabalik-balikan.
“PAG-IBIG NA HINDI
KO PA KAYANG MAIBIGAY”
Talumpati ni:
Jemmahli SJ. Buendia
Pag-ibig na kusang darating sa iyong
buhay. Pag-ibig na hahayaan mo na maranasan at mahalin ang isang tao na
minamamahal ka higit sa lahat. Pero bakit ba kailangan umibig at bakit hindi pa
kayang maibigay ang pagmamahal?
Pagmamahal na hindi ko naranasan bago
kita makikilala, pagmamahal na aking binabaliwala dahil sa ipinagbabawal ng aking
mga magulang. Pagmamahal na iyong ipinapadama sa akin kahit walang maibalik
sayo sinta. Ika’y maghihintay na darating ang pagkakataon na ang ipinagbabawal
ay magiging pwede na. Sa bawat kasama ka ako’y nagagalak at hindi mawari kung
ano ba ito o sadya talagang masaya kung ano mayroon tayo. Kaya papahalagahan
ang bawat panahon na magkasama kahit hindi pa kaya, hindi pa kaya ibigay ang
pagmamahal na matagal mong hinihintay.
Pag-ibig na wagasna walang katumbas
kaya kaibigan lang muna tayo aking mahal. Sa sandaling kasama ka ako’y
maynadadama, hindi mabatid kung ano ba ito sinta. Kaya lubos na nagpapasalamat
sa pagmamahal na iyong ibinibigay sa akin na walang hinihinging kapalit. “Hindi
man tayo pwede sa ngayon, sana sabay tayong mahintay ang takdang panahon”.
Pansamantla
Talumpati ni:
Shemarie Borjal
Walang Permanente sa mundo. Walang
Permanenteng magpapasaya sayo, walang permanenteng mag iintindi sa ugali mo,
Walang permanenteng magpaparamdam ng halaga mo, at higit sa lahat walang
Permanenteng magmamahal sayo. Minsan ba, naranasan mong maging pansamantala?
Pansamantalang Kaibigan o Pansamantalang Ka-ibigan?
Pansamantala, salitang madaling
ibigkas, ngunit masakit kung sayo’y ipararanas.
Bawat isa sa atin’y naghahangad na makatagpo ng isang tao na magpupuno
sa ating kakulangan. Pero Paano? Paano kung ang pagpuno sa kakulangang ito’y
Pansamantala Lamang. Pansamantalang saya, Pansamantalang kasama siya, at
Pansamantalang ipaparamdam na mahal ka, Ngunit ika’y likas na Tanga, minahal mo
nang sobra. Aminin man natin sa hindi. Kung sinong minahal mo sa panandaliang
panahon, ay siya rin inaasahan mong babalik sa piling mo, magpa hanggang
ngayon. Ang hirap no? Mapasok sa Pansamantalang Relasyon. Sa relasyong walang
kasiguraduhan. Walang eksaktong panahon. Hindi mo alam kung kalian. Di mo alam
kung kailan magsisimula. Kasi di mo naman alam diba? Kung panghabambuhay na, o Pansamantala
ka lang sakanya.
Hindi naman mahalaga kung pansamantala
ka lang, ang mahalaga nag mahal ka. Likas narin sa atin ang masaktan, para sa
huli’y may matutunan. Kaya’t huwag mong ihinto ang buhay mo sa isang tao, Dahil
kahit kailan di magiging tao ang mundo.
Tagos sa puso ang mga talumpati ng mga batang ito. Iba na tlaga ang panahon ngayon marami ng alam ang mga batang mga millennials. Maganda mga gumawa nito. Great job Senior High students.
ReplyDeletetungkol sa crush na kahit gaano mo sya kamahal ay masasaktan ka lang dahil nakikita mo na may mahal syang iba at hindi ikaw.......tungkol naman na pag-ibig na hindi ko pa kayang maibigay sayo dahil kahit sabihin pa natin na mahal natin ang isat isa kung hindi pa tayong handa na masaktan o hindi pa tayo handa , kung tayo talaga ang tinadhana na magkatuluyan , di hihintayin natin ang isat isa..... at tungkol nmn sa pansamantala na hanggang kaibigan lang ang kaya nyang ibigay sayo pero ang samantala na yan ay kaya natin gawing pagmamahal na pangmatagalan na alam mo na mahal mo sya....at handa kang maghintay para sa kanya kahit anu man ang mangyari....
ReplyDeleteMga pusong minsang napaglaroan, mga karanasan na Mayroong pakinabang. Ngayo'y pinakikinabangan maging sah proyekto sa paaralan .
ReplyDelete@buendia....magyon baga ehm...
ReplyDelete@culas.... crush na naman pero gwapo c crush talaga nagpapabago ning mood
ReplyDelete@borjal....super relate ako
ReplyDelete@borjal..grave ang gayon kang talumpati mo..nka relate ako
ReplyDeleteWord world think thank bliss blessed.. Journey to the unknown... Amazed.. Puzzled.. Wondered wander... Layyppp
ReplyDeleteYawa
ReplyDelete