ABSTRAK



Isang pananaliksik ukol sa Karanasan ng Isang Batang Ina

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.
Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”.
Sa pag-aaral na ito karamihan sa mga respondente ay tatlumpo’t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.
Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital. Batay sa kinalabasan ng isinasagawang pag aaral iminumungkahi na huwag munang magpapaapekto sa bugso na nararamdaman ng damdamin upang maiwasan ang mga bagay na maging dahilan ng pagiging isang Batang Ina.
INIHANDA NI: CLAIRE BUENO




"Kaugnayan ng Mabisang Pamamahalang Oras sa Pagtuturo ng mga Propesor at Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa UnangTaon sa Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyong Narsing."

          Ay naglalayong tuklasin kung may kinalaman ba ang oras sa kahusayang pang-akademiko ng mga mag-aral at kung mayroon, paano ito nakaapekto sa mga mag-aaral at propesor. Layon ng pag-aaral na tuklasin kung may kinalaman ang oras sa kahusayang pang-akademiko ng mga mag-aral at kung paano ito nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga propesor.
Nagsagwa ang mga mananaliksik ng isang sarbey at panayam sa mga mag-aaral sa unang taon sa Kolehiyo ng Narsing sa Unibersisad ng Santo Tomas upang malaman kung sila ay may ideya sa konsepto ng time management.
          Napag-alaman ng mga mananaliksik na may kaugnayan ang oras sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga propesor.
 Nagagamit ng karamihan sa mga mag-aaral ang time management upang mas madali ang kanilang pag-aaral at mabawasan ang sobrang pagkahapo. Inirekomenda ng mga mananaliksik na gamitin ng mga kapwa mag-aaral ang time management upang mabigyang prayoridad ang mga dapat gawin at tapusin kaagad.
Inihanda ni:
Bb. Jemmahli SJ. Buendia




SALIK SA PAGKAKARON NG MOTIBASYON AT DETERMINASYON SA NAPILING KURSO NG MGA MAG-AARAL NG PAMANTASANG CENTRO ESCOLAR

          Ang Layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso ayon sa pamilya at relasyon ng mga mag-aaral ng Pamantasang Centro Escolar.
          Sa pananaliksik na ito ginagamit sa paaralang palarawan, ang pangunahing instrumenting ginamit ay talatanungan upang makalap ang datos tungkol sa salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon ng mga mag-aaral. Papoporyento ang ginamit sa pag-aaral upang malaman ang mga kasagutan sa mga suliraning kinakaharap ng pag-aaral na ito.
Sa pag-aaral na ito karamihan sa mga respondante ay mga labimpito hanggang labing walong edad na nagkaroon ng animnapu’t tatlong porsyento (63%). Karamihan ay mga kababaihan na may pitumpo’t tatlong porsyento (73%) at karamihan ay nasa Bachelor of Science in Tourism Management na may dalawampu’t porsyento (22%).
          Sa kinalabasan ng pag-aaral na ito ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon sa napiling kurso sa kolehiyo na nagmula sa pamilya ay ang presyur at ang salik sa pagkakaroon ng motibasyon at determinasyon mula sa relasyon sakapwa ay ang aksiyahan sa mga nakatakdang Gawain.
Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag aaral iminungkahi na huwag masyadong mag paapekto sa presyur dahil nais lamang ng mga magulang ay ang nakabubuti samga anak at ipag patuloy lang ang mabuting pakikipagrelasyon sa kapwa nang sa gayon ay patulorin ang pagkakaroon ng motibasyon at dterminasyon sa pag-aaral.
Inihanda ni:
Bb. Shemarie P. Borjal


Pula         LAYUNIN                                         Dilaw           PAMARAAN NA GINAMIT
Asul         KINALABASAN NG PANANALIKSIK       Gray           KONKLUSYON
Bedi         REKOMINDASYO

Comments

Popular posts from this blog