BUOD


The Gifted
Inihanda ni: Shemarie P. Borjal


          Ang pelikulang ito ay tungkol sa magkaibigang Zoe at Aica. Parehas silang napakatalino at parehas din silang pangit. Si Zoe ay may masamang ugali na kung saan ay may kaingitan kay Aica. Si Aica naman ay malaki ang ilong, makapal ang kilay at nakasuot ng napaka kapal na salamin. Buong buhay ni Zoe ay lagi lamang siyang pangalawa kay Aica. Si Aica kasi ang laging Valedictorian ng klase o batch nila. Noong tumuntong sila sa huling baiting ng hayskul, nais ng magulang ni Zoe na siya ang maging Valedictorian ng kanilang Batch. Kaagad namang nag plano ng masama si Zoe para malamangan niya ulit si Aica. At sa huli’y napagtagumpayan niya ang kaniyang masamang plano
Ilang taon din ang lumipas, nagging matagumpay at maganda na si Aica at Zoe, mayroon na rin silang kani-kaniyang trabaho. Ngunit sa paglipas ng taon may natitira paring sakit sa kanilang loob. Noong malaman ni Zoe na matagumapay at maganda na rin si Aica, nainis siya at gumawa ng paraan upang masira naman ang buhay ni Aica, Subalit ilinigtas siya ni Mark mula sa putok ng baril ni Zoe. Nakaligtas naman si Aica, Ngunit si Mark naman ang pumangit dahil sa piklat. Noong matapos na ang pelikula biglang pinakita na hindi naman pala totoo yung mga nangyari. Ang kwento ni Zoe at Aica ay binase lamang ang kanilang kwento kay Joey at Mica.












“The warrior’s gate”
Inihanda ni: Mark Neil Pongpong


          Si jack ay isang istudyanteng mahilig lumalaro sa kaniyang kompyuter na ang tawag ay “The warriors gate” sinabi ng kaniyang ina na lumabas sa kwarto upang masikatan ng araw ang kanyang mukha. Pumunta si jack sa isang parte ng gubat kung saan gamit ang kaniyang bibisikleta, at naabotan ni jack ang mga nang aapi sakanya sa paaralan. Doon naghamon ng suntukan ang kaniyang at biglang umalis si jack gamit ang kanyang bisikleta papaalis sa mga kaaway nya. Tumago ito sa tindahan ng isang tsino ng hindi siya maabotan. Binigyan ng tsino si jack ng isang kahon at inuwi niya ito sa kanila.
          Kinaumagahan may biglang lumabas sa kahon na pinakamaganda at maputing babae at doon ipinasyal niya ito sa pamilihan ng damit nakakita yung babae ng sorbetis, nagpabili ang babaengunit nawala ito bigla. Nung papauwi na sila hinablot bigla yung babae at ibinalik sa kanyang daigdig. Sumunod si jack para iligtas ito sa isang kalaban doon sa daigdig ng babae. Tinulungan ng isang mandirigma si jack para iligtas ang binibini, naglakbay ang dalawa patungo sa kinaruruonan ng binibini.
          Nagplano ang dalawa para iligtas ang binibini.Linusob nila itong dalawa at tinalo ang hari ng kasamaan, nailigtas nila binibini. Naibalik na ang kapayapaan sa daigdig ng binibini at nagging reyna ang binibini. Nakabalik na rin ang lalaki at gumawa ito ng laro tungkol sa karanasan niya sa pagligtas sa binibini.












“Anak”
Inihanda ni: Mary Clare M. Bueno


Ang istorya ay tungkol kat Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailang. Binanggit nya na ginagawa nya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama’t siya ay maalyo sa kanila, tiniis niya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael ( Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla( Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsapwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensyon ng mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan pa siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang.Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama’t malayo siya sa kaniyang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.

Comments

Popular posts from this blog